Sa Mga Agos ng Karagatan
Ako ay napatingin
Sa mga agos ng karagatan
At ako'y napigilan, nakatitig lamang,
Nabalani sa luwalhati ng tanawin.
Ang karagatan ay nahihigop ng araw
Sa kanyang mga sinang.
Pero, alam ko...
Na ang karagatan ay patuloy na umaagos...
Ako ay pumaroon sa karagatan,
Ang agos sa aking mga paa
Ay nagdala sa akin...
At ako'y inanod
Palapit ng palapit,
Sa lalim ng karagatan.
Ako ay nakisalamuha, nakilahok sa tubig.
Nakibagay sa loob-loobin
Na gusto niyang proonin...
At nang ako'y lumapit sa lalim ng karagatan,
Ako ay nangamba.
Pero ako ay nakisama pa rin;
Bukas ang loob.
At ako'y nasiyahan.
Ang tubig ay mahalina sa akin
At ako sa kanya.
Ako'y di takot
Hanggang sa ako'y lubos na lumubog,
At nawalan ng hininga.
Ako'y nasindak at ako'y lumangoy
Pabalik sa dalampasigan.
Ang aking mga loob ay sumama...
Sa baybayin ako nakatingin,
Napigilan, nakatitig, nabalani
Sa mga agos ng karagatan...
Pero, alam ko pa rin...
Na ang karagatan ay patuloy na umaagos...