"Tutal Intirist; Diskawnt Piryud"


a/n:

I have nothing against the visayan people in this story. This was inspired by one of my professors and how most of us (including me) usually respond to him. But personally, I have nothing against you

Wala po akong masayang intensyon sa mga bisayang makakabasa nito. Na-inspire lang po ako ng prof ko kaya ko naisulat to dahil na rin sa mga kalimitan naming reaksyon!


9:30 am, kalahating oras nang late.

Asa.

Nagmamadali akong umakyat sa 4th floor ng BA Building. Mahigit pitong hakbang ang meron sa bawat kalahati ng hagdan bago ito lumiko para sa susunod pang kalahati nito. Nakakainis talaga, naiisip kong halos isang oras akong naligo, nag-ayos ng itsura at nagpabango habang hirap na hirap akong hawakan ang buhok ko sa jeep para lang mapawisan ng sobra habang umaakyat sa parusang BA Buildingna 'to.

Hingal na hingal akong nakarating sa 4th floor at tumagaktak ang pawis ko – naramdaman ko itong tumulo sa likod ng blouse ko. Shit! Ang baho ko na, malamang.

"Ukey, ang tutal intiris natin Mr. Handsome Kivin," okay, ang total interest natin Mr. Handsome Kevin…

Umupo ako sa tabi ni June, teka lang – babae siya. "Boy, bakit late ka?"

"Ha? Traffic sa may Kadiwa," sagot ko. At teka, hindi ako lalake.

"Naku, si sir talaga, nangdadarag na naman!"

"Miss Beautiful, Sexy, Daring, Lovable Honey June," biglang sabi ni Sir BL. "Wat es ar tutal amawnt?" what is our total amount?

Napangiti na lang ako… sulit ang pagpasok kong ito.

"Uhhhh, yu dun't nu?" Oh, you don't know?

"No sir."

"Bikas, yu wiren't lisening." Because you weren't listening.

Nakakatawa talaga si Sir BL. Pero saglit akong napaisip, nilalait ko ba ang pagkabisaya niya? Oo, sagot ng buwisit kong konsiyensya. Teka, tama na… hindi ka perpekto, lecheng 'to. Napangiti akong muli.

Napag-isipan ko tuloy, bakit ba natin sila pinagtritripan? Dahil ba iba ang punto nila? Eh kung tayo kaya ang magbisaya – takte! Mukha rin tayong tanga!

Ang bait ko noh? Oo, wag na lang sila ang laitin mo, bruja! Yung mga pangit na lang!

Tsk, tsk, tsk.. 'tadong konsiyensya!