SALAMIN

"O, kay bilis namang maglaho ng pag-ibig mo, sinta…daig mo pa ang isang kisap-mata…kanina'y nariyan lang, o ba't bigla na lang nawala? Daig mo pa ang isang kisap-mata…" – Kisap-mata ng Rivermaya

Umiiyak siya.

LUHA, iyak, pait.

Hinayaan ko siya.

Ano bang paki ko?

Wala siyang halaga sa'kin.

Pinilit niya lang ang sarili niya sa'kin.

Hindi ko kasalanan kung bakit siya umiiyak ngayon.

LUHA, iyak, pait.

Wala na siyang ginawa kungdi ang saktan ako.

Ano bang ginawa ko para matamo ang ganito?

Minahal ko lang naman siya ng lubusan…

Sapat na ba iyon para lumayo siya sa'kin?

LUHA, iyak, pait.

Wala.

Wala talaga akong nadarama.

Ano ba ang pag-ibig?

Sabihin niyo sa'kin; hindi ko alam.

LUHA, iyak, pait.

Ayoko na…ayoko na ng ganito…

Nasaktan na niya ako…

Ano pa nga ba bukod dun ang kanyang nagawa?

At ako…bakit wala rin lang akong magawa kungdi ang umiyak?

LUHA, iyak, pait.

Iiwanan ko siya.

Bahala na.

Hinding-hindi ko siya minahal.

Isinugal niya ang kanyang sarili para sa isang taong may pusong bato.

WALA AKONG PAKI.

LUHA, iyak, pait.

Mahal ko siya…

Huwag…

LUHA, iyak, pait.

Paalam…

Ako rin ang iiyak mamaya.

"Disclaimer": Hindi ko inaari ang kantang nakasaad sa taas.