'Sang kandilang may sulo

Sa hangi'y naglalaro

Bulaklak na malago

Sa hangi'y yumuyuko

'Sang apoy na yumao

Sa hanging nag-ibayo

Ulan na wari'y yelo

Hugasan ang luha ko

Ako'y munting anino

Ngunit saan tutungo

Kung binti ay nalumo

At nanatiling bigo

Isang munting anino

Sa dilim naglalaho

Liwanag ay buhay ko

©2006 Joanne Bacani