Hello fictionpress world! Sorry for not putting up anything in ages. But now I have!

This short story was written for my filipino class (we're doing creative writing, oh the horror! I cannot write in filipino) I really liked the way it turned out so I'm posting it here.

I don't know if any of you can read filipino but if you can then read this!

Special thanks to Teacher Teng, without whom this story would have not been accomplished. He is responsible for the translation into filipino and editing. Thanks again Teacher Teng!


Kahit Isang Araw Pa

Maingay ang paligid…

Nagkikislapan ang mga ilaw…

Maraming tao ang sumisigaw…

May mga awit na maririnig…

Ngunit isang tinig lamang ang nangingibabaw sa lahat…

…ang aking tinig…

Ako si Aaralyn Eae. Buhay ko ang pag-awit. Ngayon ay umaawit ako sa harap ng maraming manunuod na sumasabay sa aking pag-awit at isinisigaw ang aking pangalan sa abot ng kanilang makakaya. Mga tagahanga na puspos ang suporta para sa kanilang sikat na idolo. Ito ang buhay ko.

Ngayong gabi sa kunsyertong ito, aawitin ko ang panghuling awit ng buong puso at kaluluwa. Ibubuhos ko lahat ng aking makakaya sapagkat ito na marahil ang huling kanta na aking aawitin.

Nang matapos ko ang kanta, masigabong palakpakan ang isinihukli sa akin ng mga manunuod. Ngumiti at kumaway ako bilang tanda ng aking mainit na pagtanggap sa kanila. Habang inaantay ang unti-uunting pagdilim ng mga ilaw, kinabahan na ako sa maaaring mangyari pagdating ko sa likod ng entablado. Habang papalapit ako dito, sinubukan kong huminga ng maluwag ngunit nang makita ko siya, bigla akong napabuntong hininga at napalunok.

Siya si Cael Dantanian, ang aking pinakamatalik na kaibigan. Habang nakasandal ang kanyang matangkad na katawan sa pader, inasahan ko na pagagalitan niya ako dahil sa pag-awit ko ngayong gabi. Ngunit nagkamali ako. Tumitig siya sa akin nang may pagtutol sa aking ginawa ngunit hindi ko natagalan ang pagtitig sa kanya kaya ibinaling ko ang aking paningin sa ibang bagay.

"Nagsinungaling ka…na naman…"

Hindi ako nakapagsalita.

"Sinabi mo sa akin na hindi mo itutuloy ang kunsyertong ito."

"Naibenta na lahat ng tiket…malaking pera ang mawawala sa akin kung hindi ko ito itinuloy…" sinabi ko sa kanya nang pabulong.

"Alam mo na pabibilisin lang nito ang lahat ng bagay." Sabat niya ng walang pasubali.

Tumango ako.

"Hindi mo ba kayang dagdagan ang pag-aalaga mo sa sarili mo?" sabi niya sabay lapit at yakap sa akin, "Tawagin mo na akong makasarili ngunit hindi pa ako handa na mawala ang aking matalik na kaibigan."

Ayon! Salamat sa paalala, Cael. Salamat sa paalala na anumang oras ay maari na akong mamatay.

Ang paglisan sa mundong ito ay isang katotohanan na pilit kong kinakalimutan. Alam ko sa sarili ko na mamamatay ako anumang oras, mas maaga kumpara sa ibang babae na kasing-edad ko. Sinabi ng mga doktor na marahil hindi na ako umabot sa araw ng Pasko. Ako ay may kanser. Kanser ng voice box.

Ito ang dahilan kung bakit galit si Cael sa akin ngayon. Bukod sa pagiging matalik na kaibigan, siya rin ang aking doktor. Limang taon mula nang malaman ko ang aking sakit, nagpakadalubhasa siya sa medisina upang maging doktor ko. Alam niya kung ano ang mga bagay na makabubuti at makakasama sa akin…at ang pag-awit ang pinakabawal kong gawin.

"Alam mo naman na ang pag-awit ay lalo lamang makakapagpalubha ng kalagyan mo, tama ba?" sabi niya nang malumanay habang hawak niya ako sa kanyang mga bisig.

"Hindi ko mapigilan e." tugon ko.

"Shhh…h'wag ka nang magsalita. Ipahinga mo muna ang boses mo. Alam ko naman na sasabihin mo lang na ang pag-awit ay ang buhay mo: 'Hindi dahil na may kanser ako ay hahayaan ko na lamang na mamatay ako ng mas maaga kaysa sa itinakda ng medisina' mga ganyang dahilan ba…"

Napatango ako at nagpasalamat at hindi niya nakitang namula ang aking mga pisngi.

"Namumula ka…"

Haaay, kilala talaga ako ni Cael higit kanino man.

Magkaibigan na kami ni Cael Dantanian sa mataas na paaralan pa lamang. Alam niya na hindi ako madaling sumuko kahit alam ko na bilang na ang mga araw ko. Mamarapatin ko pa na mamatay dahil sa kahinaan ng aking katawan at hindi dahil nawalan na ng pag-asa ang buo kong pagkatao. Ginugugol ko ang bawat araw na parang mamamatay na ako kinabukasan. Gayun pa man, pagsapit ng gabi, hiniling ko na sana magising pa ako kinabukasan. Kahit isang araw pa.

"Ang kasunduan natin, isang konsyerto lamang sa isang buwan, ngunit ito na ang pangalawa sa nakaraang dalawang linggo."

Lumayo ng bahagya si Cael sa akin at kumuha ng papel at panulat sa kanyang bulsa. Iniabot niya iyon sa akin.

Napatungo ako habang tinatanggap ko ang mga iyon. Ito ang premyo ko sa pag-awit ngayong gabi. Upang maipahinga ang aking boses, bawal akong magsalita sa loob nang dalawang araw. Apat napung walong oras na walang salita, walang humming, at higit sa lahat, walang pag-awit. Inoorasan pa ako ni Cael.

"Halika sa iyong dressing room upang makapagpalit ka na ng iyong damit habang ipinagtitimpla kita ng mainit na tsaa. Makakapagbuti iyon ng iyong lalamunan."

Tunay na masarap sa pandinig ngunit para lamang asarin siya, dali-dali kong isinulat sa papel at ipinakita sa kanya.

"EWW!"

Napangiti siya, "Paborito mo iyon di ba?" tugon niya, "Dadagdagan ko pa ng pulot upang lalong sumarap."

Ipinakita kong muli ang papel sa kanya.

Napatungo si Cael, "Mauna ka na, susunod ako sa'yo."

Habang naglalakad ako patungo sa aking dressing room, binati at pinuri ako nang ilang kawani ng kunsyerto. Sinuklian ko naman iyon ng aking mga ngiti habang patuloy sa aking paglalakad.

Narating ko ang dressing room at pumasok sabay sara ng pinto sa aking likuran.

Hinubad ang damit pang entablado at binuksan ang aparador upang maghanap ng isang simpleng damit na maiisuot. Di kalaunan, nakita ko ang isang walang manggas at kulay lilang damit na abot sa aking tuhod ang haba. Dali-dali kong isinuot ang damit matapos kong makarinig ng maliit na ingay sa labas. Habang isinusuot ko ang isang kulay puti at ginantsilyong cardigan, naramdam ko ang nag-aapoy na sakit sa aking lalamunan. Pinisil ko ang aking mga kamay sa aking lalamunan.

Huwag ngayon. Oh, pakiusap! Kung mayroong Diyos diyan sa itaas, nakikiusap po ako sa inyo, huwag po ngayon!

Ang sakit na iyon ang tanda ng pag-atake ng aking kanser sa lalamunan. Depende sa unang pagbulwak ng sakit, maaari itong simpleng atake lamang o di kaya ay isang malubha na magdudulot sa akin ng pagsuka ng dugo at kumbulsyon.

Pakiusap po, sana simpleng atake lang ito…!

Walang anu-ano'y ilang malalaking bugso ng ubo ang lumabas sa aking katawan. Tila may metal na lasa sa aking dila ngunit pinilit kong nakasara ang aking bibig habang patungo sa malapit na lababo sa may sulok ng kwarto.

Pagkayuko pa lang sa lababo, nagsuka na ako ng dugo. Matapos ang sa akala ko ay maraming oras na nakaraan, tumigil ang sakit. Sinubukan kong sumuka ngunit wala nang lumabas na dugo sa aking bibig. Pumapatak ang mga luha sa aking mga mata habang hinuhugasan ko ang mga mantsa ng dugo. Sinabuyan ko ng tubig ang aking mukha, kinuskos nang maigi hanggang mawala ang make-up, dugo at luha. Nagmumog ako upang mawala ang tila metal na lasa at tinuyo ang aking mukha ng isang malinis na tuwalya.

Pagsuot ng puting cardigan, napatayo ako sa harap ng isang malaking salamin at sinuri ang aking sarili. Salamat at walang mantsa ng dugo ang aking damit. Sinuri ko ang aking repleksyon.

Halata ba talaga sa akin na mayroon akong kanser?

Sa harap ng salamin, nakikita ko ang isang babae na may katamtamang tangkad. Mas maputla ang kulay at mas mapula ang pisngi kumpara sa anyo niya limang taon na ang nakalilipas. Mas maikli na rin ang buhok nito ngayon na abot hanggang balikat kumpara sa dati. Tila hindi pantay ang laki ng mga mata kumpara sa hugis ng mukha.

Hindi. Hindi halata sa akin na mayroon akong kanser.

May narinig akong katok sa may pintuan.

"Aaralyn? Papasok na ako ha." ang sabi ni Cael.

Pumasok siya sa kwarto hawak ang isang tasa ng mainit na tsaa. Iniabot niya iyon sa akin at unti unti ko naman itong ininom. Salamat at muling guminhawa ang pakiramdam ng aking lalamunan. Hinintay niya na matapos ako sa pag inom ng tsaa bago siya magsalita.

"Isuot mo ang sapatos mo, kakain tayo ng hapunan sa labas."

Napatingin akong bigla sa kanya ngunit isang mapang-asar na ngiti ang isinukli nya sa akin.

"Para saan pa, e di para ipagdiwang ang tagumpay ng kunsyerto mo ngayong gabi!"

Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa aking mukha habang isinusuot ko ang aking sapatos. Sobrang bait talaga sa akin ni Cael sa napakaraming bagay. Sa halip na lumabas siya kasama ng ibang babae, mas pinipili pa niya sa lagi akong samahan at alagaan. Gayunpaman, hinihiling ko na sana huwag siyang magbago.

Totoo sa kanyang salita, dinala nga ako ni Cael sa isang maliit na restaurant. Hindi ko malilimutan ang hapunang iyon. Ang saya na naramdaman ko ay tila isang liwanag sa madilim na kakaharapin ko.

Matapos ang gabing yaon, lumala ang aking kanser. Lumipas ang mga araw, lingo, at buwan. Matapos ang kunsyertong iyon, hindi na ako muling umawit. Ginugol ko ang mga araw sa aking pagpapagamot at konsultasyon sa mga doctor. Sa lahat ng ito, si Cael Dantanian ang palagi kong kasama. Mukha niya ang naaalala kong palagi kong nakikita. Mga kamay nya ang palaging humahawak sa aking buhok sa tuwing susuka ako ng dugo sa lababo. Siya ang nagging sandigan ko sa tuwing ako ay kinukumbulsyon. At sa mga araw na hindi ko kailangang magpunta ng ospital or wala akong nararamdamang sakit, isinasama nya ako sa panonood ng sine, pagpunta sa karnibal, parke, at kung saan man na matipuhan nya. Alam ko kung bakit nya ginagawa ang mga bagay na iyon. Ayaw ni Cael na maalala ko ang aking mga huling araw na punong-puno ng pasakit na parang nasa impyerno. Gusto niya na maalala ko ang mga masasayang sandali na magkasama kaming dalawa. Gusto nya kung anuman ang gusto ko. Gusto niya na mubuhay ako kahit alam ko na alam nya na hindi na magtatagal ang buhay ko.

Hindi ko na namalayan na Disyembre na pala. Mga nyebe at tinig ng mga batang nagkakaroling ang mararamdaman sa paligid. Alam ko na malapit na ang oras ko. Alam ko na ibinigay na lahat ni Cael sa akin ang lahat ngunit kailangan ko pang humiling ng isa pa para sa huling pagkakataon.

"Hindi!"

"Pakiusap, Cael…" pagmamakaawa ko sa kanya

"Paano mo hihilingin sa akin na payagan ka na kumanta sa isa pang kunsyerto? Ikamamatay mo yan!"

Napahinto si Cael at punong puno ng pagkabigla. Sa nakalipas na limang buwan, naging impormal na kasunduan sa pagitan naming dalawa na huwag pag-usapan ang napipintong paglisan ko. Pareho naming iniiwasan na pag usapan iyon.

"Nasa kritikal kang kalagayan ngayon." sabi nya. "Bilang iyong doktor, sinasabi ko sayo na hindi makabubuti sayo ang pag-awit sa mga panahong ito."

"At hindi na kailan man" sabat ko nang may pagtanggi. "Hindi na ulit ako nakakaawit sa nakaraang apat na buwan. Kailangan kong kumanta. Ito ang buhay ko, alam mo yan."

"Kung kakanta ka pa sa isang kunsyerto, ikamamatay mo sigurado". sabi ni Cael

Gusto kong umiyak sa narinig ko.

"Ipinapangako ko na ito na ang huling pag awit ko sa isang kunsyerto,"

Nanlisig ang tingin niya sa akin at sinabing…

"Kung itutuloy mo ang pagkanta sa kunsyertong ito, sigurado ako na ito na talaga ang huli mo."

"Pakiusap Cael!"

"HINDI!"

Bumaling siya sa akin na nangingilid ang mga luha sa kanyang mga mata. Umalis si Cael bago pa man ako makapagsalitang muli. Alam ko na alam nya na kapag hindi pa siya umalis ay makukumbinse ko siya na pumayag sa hinihiling ko..

Tumayo ako sa lugar kung saan siya nakatayo kanina at sabay dukot ng aking telepono sa aking bulsa at tinawagan ang aking manager.

"Hello?" sagot ng aking manager sa unang pagtunog pa lang ng kanyang telepono.

"Yung Christmas Concert na sinabi mo sa akin" tugon ko sa telepono.

"Yung gaganapin sa Disyembre 24?".

"OO, itutuloy ko sya."

"Magaling!"

Ang tanging dahilan kung bakit ako tumanggi dati ay si Cael na aking doktor. Pasyente nya ako ngunit hindi lang ako.

Isa sa mga pasyente nya ang tumawag sa kanya na kailangan niyang bigyan ng atensyong medikal. Kailangan niyang umalis upang puntahan ang pasyenteng ito. Ito ang dahilan kung bakit hindi na sya masyadong nakipagtalo sa akin. Para saan pa, OK nman ako. Hindi na masyadong umaatake ang sakit ng lalamunan ko. Hindi nga ako sumuka sa loob ng nakaraang linggo.

Umalis si Cael ng Disyembre 22. Bago sya umalis, ipinangako niya na babalik sya bago ang Pasko.

Disyembre 24.

Malapit na ang oras. Nasa imahinasyon ko na ang malaking pulutong ng tao na naghihintay para sa akin sa entablado.

"Aaralyn, pagkakataon mo na." sabi ng aking manager sa labas ng aking dressing room.

"Okay."

Tumayo ako at tumungo punta sa entablado. Naririnig ko ang mga tao na nagbubulungan sa kanilang pagkasabik hanggang sa isinigaw ng tagapagsalita ng palatuntunan:

"At ipinakikilala ko sa inyo, ang boses na matagal na nating hindi naririnig sa mahigit na limang buwan… Narito sya para sa huli niyang pag-awit… Nasa akin ang karangalan upang ibigay sa inyo… AARALYN EAE!"

Huminga ako ng malalim. "Para sa'yo to Cael…" Ngumiti ako at humakbang patungo sa entablado.

Hindi ko masyadong narinig ang mga sigawan ng mga tao nang mga sandaling iyon. Sa halip, hinagip ko ang mikropono at nagsalita.

"Maraming salamat sa inyong lahat sa pagdalo sa aking huling kunsyerto. Inihahandog ko ang kunsyertong ito sa isang tao na napakalahaga sa akin. Sa isang tao na tumulong sa akin sa mga nakaraang taon. Kung nasaan ka man, sana naririnig mo ako. Maligayang Pasko sa inyong lahat."

Kumanta ako. Akala ko noon, ibinigay ko na ang lahat sa aking pagkanta… Nagkamali ako. Dito sa gabing ito, ibinigay ko ang lahat. Ang lahat para sa aking huling kunsyerto. Ibinuhos ko lahat ng buong puso at kaluluwa. Balewala ang sakit na nararamdaman ko sa aking pag-awit dahil sa aking sakit dahil sa mga alaalang nagbalik habang binibigkas ko ang mga salita sa aking awit.. Noong gabing iyon, ginamit ko ang aking boses upang ilabas lahat ang aking nararamdaman hanggang sa napagtanto ko kung bakit. Ito na ang aking pamamaalam sa lahat.

Umagos ang luha sa aking mga pisngi, ngunit wala akong pakialam. Bumulwak ang sakit sa aking lalamunan ngunit hindi ko ito pinansin. Ipinagpatuloy ko ang aking pag-awit ng pamamaalam.

Ibinigay ko ang aking huling bow hanggang sa narinig ko ang isang tinig na tumatawag sa aking pangalan sa likod ng entablado.

"Aaralyn!"

Si Cael yon. Pinipigilan siya ng mga security guards na makalapit sa akin.

"Cael!" tumakbo ako patungo sa kanya. Ngunit bago pa man ako mangalahati sa distansya ko sa kanya, sumabog ang sakit sa aking lalamunan. Napaiyak ako at dagliang bumagsak sa sahig habang yakap ang aking sarili nang mahigpit at inuubo ng matindi. Bago ko pa man mapigilan ang sakit, lumabas ang dugo sa aking bibig at hindi ako nakahinga.

"Pakawalan niyo ako…" sabi ni Cael habang hawak sia ng mga gwardya.

"Cael!"

Walang anu-ano ay naramdaman ko na nasa tabi ko na sya. Hawak nya ako sa kanyang mga bisig na walang pakialam sa mantsa ng maraming dugo sa suot niyang damit.

"Aaralyn… Aaralyn… Bakit?!" sabi ni Cael.

Parang isang himala, biglang tumigil ang aking pag ubo at natitigan ko sya ng malinaw."

"Iyon ay para… sa iyo…" bulong ko sa kanya.

Hindi ko na maramdaman ang aking katawan at lumalabo na ang aking paningin, ngunit pinilit ko ang aking sarili na tapusin ang aking gustong sabihin sa kanya."

"Maraming Salamat… Cael… at… Paalam…"

Tumigil ako sa pagsasalita… Bahagya ko nang narinig ang boses ni Cael habang sumisigaw at humihingi ng tulong sa mga tao sa paligid.

At sa hindi maipaliwanag na dahilan, alam ko na nalampasan ko ang prediksyon ng mga doktor. Nabuhay ako hanggang Pasko.

Sinisigawan ako ni Cael na manatiling gising, ngunit hindi ko na nakayanan ang sakit… Ipinikit ko ang aking mga mata…

Lumisan ako sa mundong ito sa araw ng Pasko.

. : Katapusan : .


And done! I hoped you liked it even if it is in another language. Truthfully, I wrote this first in english then Teacher Teng translated some...okay almost all of it for me. I'll post the english version as the second chapter here for those who can't read filipino or have a hard time with it like I do.

I don't know if the translation from english to filipino is perfect but personally I think it's a great job.

Thanks again.

Sparkalie

05/13/10

Hi. I said before that I'll post the translation as the second chapter but I decided to put it as a separate story. Here's the title: Wish For One More Day.

Sorry for the inconvenience.

Sparkalie