Hello readers. I found this file on my computer when I was transferring files from my old laptop to my new one. I wrote this a couple of years ago, so I just thought to send it out into the world and see how it would do. I'll type the original English version and post that too...as soon as I find the manuscript. Haha.

Init at Lamig

Noong unag panahon, bago pa ang daigdig, ang apoy at nyebe ay nabubuhay nang matiwasay. Ang dalawang makaibang elementong ay parang iisa lang. Matalik na magkaibigan ang mga diyos na namamahala sa mga ito. May mga nagsasabi na sila ay magkasintahan.

Ang ating kwento ay nagsimula sa malamig na kaharian ni Glacier, and Hari ng Nyebe. Sa mala-kristal na kahariang iyon, sa loob ng kwarto ng hari, ay matatagpuang nakaupo si Glacier kasama na kahariang iyon, sa loob ng kwarto ng hari, ay matatagpuang nakaupo si Glacier kasama ang ponakamahal niya sa buhay si Enya, ang reyna ng Apoy.

Sa likod ng mga nakakandong pinto, mga kilig at halinghing lamang ang naririnig ng mga taga-pagsilbi ng kaharian. Ang mga ito ay napapangiti na lamang sa isa't isa habang iniisip na nasisiyahan ang kanilang hari.

Sa loob ng silid, salungat sa mga malalaswang iniisip ng mga tao sa labas, sina Glacier at Enya ay nagkakatuwaan at nagbibiruan lamang. Ang katotohanan sa kanilang mga ginagawa ay lubhang napaka inosente. Nakaup ang dalawa na malapit sa isa't isa habang bumubulong si Glacier sa tena ni Enya. Ang bulong na ito ang dahilan ng mga halinghing at kilig na naririnig ng mga tagapagsilbi sa labas ng silid.

Napatawa si Enya sa sinabi ni Glacier…

"Glacier, hindi mo dapat iniisip ang mga bagay na iyan!"

Hindi maramdaman ng reyna ng apoy sa siay ay kabilang sa mga puti at asul na kulay ng paligid ng kwarto ng hari ng nyebe. Ito ay sa kadahilanang, ang lahat ng kanyang katangian ay naglalarawan sa kung anong kapangyarihan mayroon siya. Kahit ngayon na habang hinihila niya ang kanyang mala-apoy at kulot na buhok, sinisikay niya na hindi mapahalinghing habang tinutunton ni Glacier ang kanyang mga tattoo na apoy na nakaukit sa kanyang balingkinitang balat. Nagniningning ang mga madalim at mapulang mata ni Enya habang patuloy na nakikinig sa mga bulong na salita ng kanyang kasintahan. Suot niya ang tradisyonal na damit ng mga taong apoy kung saan halos kaunti na lamang ang natatakpan sa kanyang katawan at mga tattoo na lamang ang nagsisilbing harang para sa mga taoing nagnanais na masilayan ang buo niyang katawan. Kung ihahambing sa ibang panahon marahil maaaring isipin na iskandaloso ang mga uri ng damit ni Enya, ngunit sa pangkakataong iyon, wala na masyadong nakikialam. Ang kakaibang ganda ni Enya ay parang apoy na nang-aakit ng ibang tao papalapit sa kanya na parang isang gamo-gamo na parating naghahalina sa lingas ng isang kandila. Hindi talaga maikakaila na sa pagkakataong iyon, si Glacier ay maaaring tawagin na isang gamo-gamo.

"Sa tingin ko, kaya kong gawin…" sagot ni Glacier.

Sa tabi ng reyna ng apoy ay nakaupo si Glacier, ang hari ng Nyebe. Siya ay may matipunong hugis na katawan na nababalot sa isang matingkad na balinting kulay bughaw. Pero sa mga oras na ito, tila lumalambot at kumikihang ng malikot ang malalamig niyang mata na kulay bughaw sa pagtitig sa reyna. Ang karaniwang malamig at matigasna mascara ng hari ay nawawala sa tuwing kaharap niya ang reyna upang makita nito ang matamis na ngiti na inilalaan lamang ng hari para sa reyna. Kung tatangaling ang mabigat na korona sa pagkakalutong sa kangyang ulo, makikita ang maputlang mga lubla ng buhok na tuwig nanakabagsak sa kanyang likod at nagdadagdag ng korte sa kanyang mukha. Ang kanyang walang bahid at makikinis na balat ay mumilanang sa repleksyon ng mga ilaw na nang gagaling sa mga pader na gawa sa Kristal, Maaari lamang ituring si Glacier na isang gwapong lalaki. At sa likod ng kanyang malamig na paguugau ay isang totoo at mapagkalinga puso. Sinusundan ng mga kamay ni Glacuer ang mabusing desenyo ng tattoo sa balat ni Enya, habanf nakititig sa mga kamay ito at dahandahang sinusundan ang mga guhit paakyat sa kanyang braso hanggang sa makarating sa kanyang balikat. Namula ang mga pisngi ni Enya hanggang nagpatawa ng mlakas si Glaier.

"Sobra ka na Glacier…" sambit ni Enya, habang itinutulak papalayo ang mga kamay ni Glacier.

"Ikaw din naman ang dahilan kung bakit ko naggagawa ang mga bagay na ito…" ani ni Glacier habang binuhat niya ito sa kanyang pagkakaupo at iniupo sa kanyang kandungan.

Lumapit si Enya kay Glacier at unti-unting pinakiramdam ang malamig na simoy ng hari. Sinuklian naman iyong ni Glacier na payakap sa mainit na katawan ng reyna.

"Mahal kita!" malumanay na sabi ng hari.

Napangiti si Enya, "Katulad din ng pagmamahal ko sa iyo, apoy ng aking puso."

Hinalikan ni Glacier ang mga labi ni Enya at sinuklian naman ito ng nagaalab na damdamin ng reyan. Kinilig si Glacier sa mainit na haplos ni Enya, gayundin naman ang pagkatunaw ni Enya sa mapagmahal na kalinga ni Glacier. Tunay na pambihira ang nararamdaman ng dalawa para sa isa't isa. Ang paghahalo ng init at lamig sa sila lamang ang nakakagawa ay tunay naming nakakamangha. Hindi nila mapigilan ang kanilang mga sarili. Ang apoy at nyebe ay nagdaop…at bumuo ng kakaibang katangian na halaw sa kanilang dalawa.

Makalipas ang ilang oras, lumabas ang dalawa sa pribadong kwarto ng hari ng parehong may ngiti ang mga mukha. Mas mapula ang anya ni Enya kumpara sa normal niyang kulay. Samantalang si Glacier naman ay nananatiling kalmado at malamig. Ang kakaiba lamang sa kanya ay ang kanyang mga lihim na ngiti na naglalaro sa kanyang mga labi.

Inihatid ni Glacier si Enya sa malaking pintuan ng kaharian. Sa likod lamang ay makikita ang pambihirang kabayo ni Enya at ilang eskorte na nakasakay din sa kabayo.

Sa pinakaunang baiting ng hagdang paakyat ng palasiyo ay hinalikan ni Glacier si ENya bilang pamamaalam.

"Hanggang sa muli, mahal ko." Bulong ni Glacier.

"Malamig ang aking puso kapag wala ang apoy na nag-papainit dito." Sagot ni Enya.

Isang huling halik pa ang ibinigay ng reyna sa hari ng Nyebe bago ito tuluya ng sumakay sa kanyang kabayo at pinatakbo ito.

"Paalam Glacier!" pamamaalam ni Enya.

"Hihintayin ko ang iyong pagbabalik." Sambit ni Glacier.

Pinagmasdan ni Glacier ang unti-unting paglayo ng reyna ng Apoy at mga eskorte nito. Pagkatapos noon ay pumasok na ang hari ng Nyebe sa palasyo at nagtungo sa kanyang pribadong warto at naupo sa kanyang trono. Pinagmasdan niya ang nagyeyelong paligid at si Enya lamang ang tanging makakapagbigay ng init dito. Sa kawalan ni Enya, tila nagiging nyebe narin ang puso ni Glacier.

Isang katok ang narinig nga hari.

"Pasok." Sambit ni Glacier na walang sigla.

At pumasok naman ang isang tagapagsilbi ng palasyo.

"Aking Panginoon," sambit ng tagapagsilbi, "Dumating po ang reyna ng Hangin at gusto kayong makita."

Napatingin si Glacier at nasambit, "Ano ang pakay ng reyna ng Hangin sa akin?"

"Ayaw po niyang sabihin, Panginoon ko."

"Mabuti pang papasukin mo na lamang siya. Hindi maganda na pinag-hihintay ang mga diyos." tugon ni Glacier.

"Masusunod po ang iyong kahilingan, panginoon." Sabat ng tagapagsilbi sabay tango at labas ng kwarto.

Umayos sa pagkakaupo si Glacier sa kanyang trono at inihanda ang kanyang sarili upang salabungin ang reyna ng Hangin.

Si Ziarre ay isang uri ng babae na ubod ng kalandian. Siya ay may hubog na katawan na talaga naming kinahuhumalingan ng mga kalalakian.

Bumukas muli ang pinto at inihayag ng tagapagsilbi ang pagpasok ng reyna ng Hangin.

Umiindak na pumasok si Ziarre sa kwarto ng hari ng Nyebe. Kasingganda ni Ziarre si Enya na reyna ng Hangin. Si Ziarre ay may bilohabang hugis na mukha at may mga malalalim na matang kulay bughaw. Ang kanyang mga buhok na tila hinalikan ng araw ay kusang sumasayaw kahit walang hanging nararamdaman sa paligid. Suot ni Ziarre ang isang malambot at kulay putting saya. Nakadisyano ang saya na mahaba sa bangang likaran na tila nilalampuso ang sahig at maikli naman sa harapan at saktong makikita ang kanyang mga tuhod. Mayroon din siyang mapusyaw na kulay gintong laso na nakatali sa kanyang bewang na ang mga dulo ay tinahak ang kanyang likod patungo sa sahig. Ang kanyang mga paa ay pinapulamutan ng isang gintong sandals na may laso na umiikot sa kanyang binti patungo sa kanyang tuhod. Mayroon din siyang gintong pulseras na nakakabit sa kanyang mga kamay. At sa kanyang ulo ay matatagpuan ang isang gintong laso na nakatali paikpt sa kanyang noo at siyang sumisimbolo ang kanyang estado sa buhay.

Habang pumapasok si Ziarre, nanatiling nakatayo si Glacier bilang tanda ng kanyang paggalang sa reyna.

"Anong gusto mo?" tanong ni Glacier.

"Nalaman ko lang na umuwi na si Enya." Sabi ni Ziarre, "Masama bang bisitahen ka?"

"Ziarre, alam ng lahat ng mga diyos na malandi ka, hindi ako interesado."

"Pero interosado ako." Sabat ng reyna ng Hangin, "Hindi ko malaman kung bakit kayong dalawa ang magkasintahan. Magkaibang magkaiba kayo. Paano na ang apoy at nyebe ay magmamahalan?"

"Wala kang pakialam sa buhay naming ni Enya." Nagugangalit na sabi ni Glacier, "Nagmamahalan kami, iyon lang naman ang importante."

Habang nagtatalo, dahan-dahang lumapit si Ziarre kay Glacier hanggang sila'y makadikit.

"Tayong dalawa ay mas magkatulad, Hangin at Nyebe." Pabulong ni Ziarre habang sobrang lapit sa hari, "Ang pag-ibig natin ay magiging mas malaki kaysa sa pagmamahalan ninyo ni Enya. Kalimutan mo na siya. Hindi siya karapat-dapat para sa iyo,"

Hindi makasalita si Glacier. Ang lapit na ni Ziarre sa kanya na halos nadadama niya ang malamig na hininga ng reyna.

Hinawakan ni Ziarre ang mukha ni Glacier, "Tayong dalawa…walang makakakumpara…"

Binuksan ni Glacier ang kanyang bibig para magsalita…ngunit biglang hinalikan ni Ziarre si Glacier! Nagulat si Glacier pero pinagdiinan ni Ziarre ang kanyang halik hanggang sa mawala ng wastong pag-iisip anh hari!

Walang nagawa si Glacier kundi ang malunod sa alinog naipinakita ng reyna ng Hangin. Hindi siya makalaban. Hindi siya makakilos. Ni hindi siya makapagisip habang dahan dahan siyang hinahaplos ni Ziarre. Tila lumipad sa kung saan ang kanyang isipan samantalang ang kanyang katawan naman ay tulunyang nagpasaklop sa presensya ni Ziarre na tila apoy na sinisindihan sa kadiliman. Sinubukan niyang ilagay sa isipan si Enya upang maging tapat sa kanya. Sinubukan niyang alalahanin ang kanyang malalim na pagmamahal para sa reyna ng Apoy. Ngunit daglian itong pinapalitan ng malibog na mukha ni Ziarre. Ang mapanghipnotisnong mata ng reyna ng Hanginb ay patuloy siyang sinasakop hanggang sa maging huli na ang lahat. Kusa nang tumugon ang kanyang katawan sa mga hamon ni Ziarre kusa nang sumunod ang kanyang isipan sa masamang intensyong ng reyna ng Hangin. Huli na ang lahat nang matanto ni Glacier kung ano ang nangyaru sa kanilang dalawa ni Ziarre.

"Glacier!"

Biglang pumasok ang reyna ng Apoy. Hindi agad na kita sina Glacier at Ziarre.

"Nalimutan kong sabihin sa iya na may…"

Hindi na tapos ni Enya ang gusto niyang sabihin dahil nakita niya ang dalawa.

Walang siyang nasabi…

"TRAYDOR!" sigaw ni Enya, sabay tapon ng apoy sa dalawa.

Hindi narinig ni Enya ang tawag ni Glacier. Ang nakikita lang niya ang kasintahan niya at ibang babaw na magkasama. Kilala niya ang diyosang iyon at sumakit ang puso niya na malaman na babaero pala ang minamahal niya. Tumakbo nang tumakbo si Enya, hindi na niya napigilan ang pagagos ng luha sa kanyang mga mata na parang dalawang malaking talon.

Habang tumatakbo si Enya, si Glacier naman ay galit na galit kay Ziarre.

"Anong ginawa ko?" tinanong ni Glacier sa sarili.

"Bayaan mo na siyang umalis!" sabi ng reyna, "Hindi mo siya kailangan."

Pagnakita niya ang Reyna ng Hangin, naalam ni Glacier ang nanyan at napuno siya ng galit sa kanya.

"Lumayas ka sa harapan ko!" sigaw ng hari, "Ang minamahal ko lang ay ang renya ng Apoy! Lumayas ka at hindi ko gusto makita ang mukha mo hanggang sa katapusan ng mundo!"

Walang nasabi si Ziarre at pinanood na lamang ang mabilis na takbo ni Glacier papunta sa kanyang mahal.

Nakita ni Glacier si Enya sa labas ng kanyang palasyo. Nagtawag si Glacier kay Enya.

"Hintay!"

Hindi tumigil si Enya. Hinablot ni Glacier ang braso niya at pilit na hinihila para tumigil. Hindi naglaon nakawala si Enya mula sa pagkakahawak ni Glacier.

"Huwag mo akong hawakan!" sigaw ni Enya habang naiilang siya sa pagtin kay Glacier.

"Enya…" sagot ni Glacier, "Ang makita mo…"

Mgunit hindi na siya nakatapos sa pagsasalita.

Lumingon si Enya para harapin siya. Nakita ni Glacier na dumadaloy ang mga luha ni Enya sa kanyang mga pisngi. Sumakit ang puso ni Glacier nang makita niyang umiiyak ang kanyang mahal.

"Nakita ko kung anong ginagawa mo! Pinagkatiwalaan kita…" iyak ni Enya, "Ngunit traydor ka pala. Kinamumunhi kita…KINAMUMUNHI KITA!" paulit na sigaw ni Enya.

"Enya…" pag-aamo ni Glacier.

"Huwag mo akong kausapin. Ayaw na kitang makita kahit kailanman!"

Itinaas ni Enya ang kanyang kamay upang sampalin ang hari. Walang magawa ang hari kung hindi ang intayin ang pagdampi ng mga kamay ng reyna habang nakapikit ang mga mata ngunit wala siyang naramdaman. Ibinukas niya ang kanyang mata at nakita niya ng ibinagsak ni Enya ang kanyang kamay. Tumahan na sa pagmamahal ang makikita, at punong hinagpis ang kanyang mga mata.

"Kinamumuhian kita…" sambit niya.

Tumakbo siya papalayo sa hari ng Nyebe at walang magawa si Glacier kundi manood hanggang mawala ang bakas ni Enya. Tila isang babasaging kasangkapan na nagkapirapiraso ang nagging pakiramdam ng hari sa paglisan ng reyna.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon, hindi na nagkita ang reyna at hari. Kahit ngayon hindi nakaya ng apoy at nyebe ang magsama sa iisang lugar. Kapag may apoy, walang nyebe, kapag may nyebe, walang apoy. Mananatiling isang ala-ala na lamang ang pagmamahalan na namagitan sa kanilang dalawa.